Niko Batallones (whichbaby) wrote,
Niko Batallones
whichbaby

  • Mood:
  • Music:

Post-LASARET blues: a pre-assessment assessment.

+ Walang nangyaring drama sa isang retreat today. Good thing. Hindi ako nagdrama. Hindi ko kinailangang magpapansin para, well, mapansin.

+ Nevertheless depressed pa rin ako, hindi dahil narealize ko na makasalanan akong tao (alam ni Loui kung bakit), kundi dahil walang nangyari sa ginustong block "bonding" ni Jackie. Walang nangyaring bonding. Nagsama-sama lang ang mga matagal nang magkakasama, at walang naging kasama ang matagal nang walang kasama, katulad ko.

+ Nagsawa yata kami sa food.

+ Hindi ako nakasama sa group picture. Punyeta. Bakit kasi ako lumabas ng conference room para magpalamig, dahil wala akong nakukuha sa panonood ng pagsayaw ng mga blockmates ko sa mga tugtugin noong 90s. Ayun, medyo sinadya ng kalangitan na maiwan ako sa isang lugar.

+ Block bonding? Pffft. Bullshit.

+ Natuwa ako sa sinulat ni Kat sa whatever ko. "Emo is overrated." Totoo naman. Kaya hindi na rin "emo" ang gamit ko, kundi "sentimental" unless wala nang space. Hindi ko naman masasabing naenjoy ko ang LASARET, pero at least kilala ko lahat ng kasama ko doon. Kahit si Mai, kahit si Nico - lahat maliban kay Ahza. Kahit si Sam nandoon. Ewan ko ba.

+ Hindi na ako bitter about Kizia and Sam, pero minsan nakakainis pa ring tignan ang dalawang nagmamahalan sa harap mo kapag nagmisa. Dapat talaga lumipat ako ng pwesto nung mass.

+ Speaking of Kizia, mahirap hanapin yung sinulat niya sa whatever ko. Pink cartolina, pink ink.

+ Narealize ko sa LASARET na wala na sa blockmates ko ang aking kaligayahan. I mean, hindi na lamang sila ang nagbibigay noon. Marami akong namiss na taga-DLSU nung weekend. Saka, dahil hindi mo rin naman naramdaman na naroroon sila para sa'yo. Nakakataba ng puso ang sinulat nila sa whatever ko, pero minsan gusto mong isipin na hindi iyun totoo.

+ Pero nakakainis pa rin ang mag-isa.

+ Sabi sa LASARET, mabuti ang nag-iisa ka paminsan-minsan upang makapag-isip. Tama. You start to think you're very much alone.

+ Bakit kaya iniisip ng tao na masaya kapag retreat? Wala namang nagbabago kahit maghintay ka ng matagal na panahon. Kahit buksan mo ang time capsule, walang magbabago sa'yo. Isang malaking katarantaduhan ang retreat dahil nalulungkot ang isang tao, sa pag-iisip na wala na siyang pag-asa sa mundo.

+ Siguro walang masaya sa retreat, kahit yung mga mukhang masaya. Kunwari lang yun. Front lang yun. Kahit nanalo ang DLSU, front lang yun.

+ Sobrang hilig magkwento ni Derek. Di na kami nakasingit ni Mai.

+ Sobrang daming pagkain. Siyempre, gluttony is a sin. Kasama siguro yun sa retreat proper.

+ But retreats are supposed to be exclusive. Who thought of retreats as group activities? Then again, kailangan ng sharing para may marealize ka sa buhay, para may reflection ka bago ka matulog, para may pag-isipan ka tungkol sa estado mo sa buhay. Pero kapag may gusto kang ishare, alam mong hindi interesado ang kasama mo sa grupo, unless they really know you.

+ Plano ko sanang magsulat sa whatever ni Sam. I haven't. Nakalimutan ko na, eh.

+ Cute pala ako nung baby ako.

+ Umuwi ako sa LASARET nang mabigat ang kalooban, hindi dahil marami akong narealize tungkol sa akin at sa Diyos, kundi dahil marami akong narealize tungkol sa kung paano ako napag-iiwanan ng mundo. Kagabi, sinabi ko kay Loui, iniisip ko, nagbago na ako. The next day, the opposite. Paatras, nakakatawa, totoo. Yun pa rin ang sinasabi nila sa whatever ko. Walang words of encouragement. Parang all is not enough for me to be their best friend.

+ Mabuti na lang umuwi akong hindi nagdadrama. Kung may natutunan ako sa nakalipas na pitong taon, ito ay ang hindi paglalabas ng tunay na saloobin. Sa Saliksik nga, ang sabi ko, plastik ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Totoo pala yun hanggang ngayon.
Tags: blogging with bullet points, plot twisting
Subscribe

  • Post a new comment

    Error

    default userpic
    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 0 comments